Ang kanser ay isa sa mga pinaka-malalang sakit sa buong mundo. Bukod kasi sa panghunahing bahagi ng katawan na may kanser, ang virus na dulot nito ay naapektuhan din ang iba’t ibang parte ng kalusugan. Sa kasamaang palad, ito ay nakakamatay kapag hindi naagapan.
Hanggang ngayon ay wala pa ring nahahanap na lunas na makakapagpagaling sa kanser. Ganoon pa man, nagpupursigi ang ating mga doktor at scientists upang makahanap ng lunas at paraan para maiwasan ito. Kumakailan lang, isang malaking kumpanya ang nag-anunsyo ng kanilang bagong tuklas na teknolohiya pang-kanser. Ang Toshiba Corporation sa Japan ay nakadiskubre ng isang uri ng drug test na makakatuklas daw kung ang isang tao ay may kanser.
Ayon sa Toshiba, ang blood test ay may kakayahang makatuklas ng kanser na nagsisimula pa lamang lumaki at kumalat sa loob lamang ng ilang oras. Sinusukat nito ang mga ‘microRNA molecules’ na galing sa dugo. Ang resulta na ibibigay nito ay mayroong ‘99% accuracy’. Higit pa rito, ang 13 na iba’t ibang uri ng cancer ay kaya nitong makita: gastric, esophageal, lung, liver, biliary tract, pancreatic, bowel, ovarian, prostate, bladder, sarcoma, glioma, at breast cancers.
Ang blood test ay maaring magkahalaga ng ¥20,000 o humigit kumulang ₱9,000 pesos sa Pilipinas. Umaasa ang Toshiba na magagamit ito ng mga ospital sa kanilang ‘health checkups’ sa lalong madaling panahon, lalo na at isa ito sa mga pinaka-epektibong teknolohiyang pang-kanser.
Sinabi pa ni Koji Hashimoto, ang chief research scientist sa Frontier Research Laboratory ng Toshiba, na sila lang ang mayroon nito sa buong mundo: “Kumpara sa paraan ng ibang kumpanya, mayroon kaming lamang base sa wasto, mura, at mabilis na pagtuklas ng kanser.” (Compared to other companies’ methods, we have an edge in the degree of accuracy in cancer detection, the time required for detection and the cost).
Sell Your Skills for Free – Visit Rakuboss a Filipino Skills Marketplace