Kamakailan lang ay inanunsyo ng World Health Organization (WHO) na ang corona virus o COVID-19 ay isa nang pandemya (pandemic). Ibig sabihin, ang virus na ito ay may kakayahang kumalat sa buong mundo sa makling panahon. Sa kasalukuyan, apektado ng COVID-19 ang Pilipinas at humigit isang daang bansa. Ang China, South Korea, Japan, Italy, Iran, Spain, Germany, at US ay ang walo sa may pinakamaraming bilang ng apektado. Sa oras na ito, mayroong 171,909 na kaso. Humigit anim na libo rito ay naiulat na patay.

Subalit nakaka-alarma ang patuloy na pagkalat ng COVID-19, inabisuhan naman ng WHO ang lahat ng bansang apektado na huwag mag-panic hanggat maari. Para hindi magdulot o makaramdam ng takot, importanteng alamin ang iba’t ibang impormasyon ukol sa COVID-19 sa Pilipinas at iba’t ibang bansa. Ito ang mga karaniwang tanong na dapat masagot:

Bakit Idineklarang Pandemya Ang COVID-19?

Kapag ang isang virus o sakit ay idineklarang pandemya, ito ay mayroong kakayahang kumalat sa iba’t ibang parte ng mundo sa maikling panahon. Dahil dito, mahirap na itong kontrolin. Sa opisyal na balita ng WHO, diniin nila na ang pagdeklara ng pandemya ay kinakailangan. Ayon sa kanila: 

“Ang pandemya ay hindi isang salita na na ginagamit ng walang kamalayan o pag-iingat. Ito ay isang salita na, kung mayroong maling paggamit, ay maaaring maging sanhi ng takot o kawalan ng pag-asa, na humahantong sa hindi kinakailangang paghihirap at kamatayan.” (Pandemic is not a word to use lightly or carelessly. It is a word that, if misused, can cause unreasonable fear, or unjustified acceptance that the fight is over, leading to unnecessary suffering and death.)

Ilan Ang Kasalukuyang Bilang Ng COVID-19 Cases Sa Pilipinas? 

Umabot na sa humigit isang daan ang bilang ng taong apektado ng COVID-19 sa Pilipinas. 12 ang patay at dalawa pa lamang ang matagumpay na gumagaling. Metro Manila ang mayroong pinakamaraming kaso, partikular na sa Quezon City, Pasig City, San Juan City, Manila, Marikina City, at Taguig City. Sa labas ng sentro ng Pilipinas, mayroon na rin naitalang kaso sa Rizal, Bulacan, Negros Occidental, Camarines Sur, Cavite, Lanao Del Sur, Batangas, Bataan, Pampanga, at Laguna. 

Karamihan sa mga apektado ay mayroong travel history sa iba’t ibang bansa na apektado rin ng COVID-19. Subalit matapos dumami ang kaso nitong Marso, kinumpirma ng Department of Health (DOH) na posible na ang local transmission

Ano Ang Mga Sintomas Ng COVID-19?

 

Hindi mahirap malaman ang mga sintomas ng COVID-19, subalit malaking problema ang maagang pagtuklas nito. Umaabot kasi ng ilang araw bago lumabas ang mga sintomas at mahirap na itong agapan, kaya hinihikayat ang mayroong mga sakit na mag self-quarantine sa loob ng 14 na araw. Para sa inyong kaalaman, ito ang mga karaniwan at pangunahing sintomas ng COVID-19:

Ano Ang Mga Indibidwal Na Paraan Para Makaiwas Sa COVID-19?

Ang COVID-19 ay isang nakakahawang sakit kaya inaasahan ang lahat na mag-ingat, partikular na ang mga bata at matatanda na mahihina ang resistensya. Ito ang ilan sa mga paraan para makaiwas sa COVID-19: 

Ano Ang Mga Malawakang Paraan Na Dapat Sundin Upang Pigilan Ang Pagkalat Ng COVID-19? 

Kailangan ng malawakang pagtutulungan upang mapuksa ang COVID-19. Ang Luzon, partikular na ang Metro Manila, ay kasalukuyang nakasa-ilalim sa enhanced community quarantine hanggang April upang mapigil ang pagkalat ng virus. Dahil dito, inaasahan ang lahat ng mamayan na sundin ang mga batas na inimplementa ng kanilang lokal na pamahalaan.

Ito ang ilan sa mga batas at utos ng gobyerno sa mamamayang Pilipino para maiwasan at mapuksa ang virus:

  1. Iwasan ang paglabas pasok sa Metro Manila mula March 15 hanggang April 14. Para sa mga nagtatrabaho sa lungsod, sila ay kailangan magpakita ng company ID o iba pang dokumento.
  2. Mahigit na ipinagbabawal ang domestic air at sea travel. Subalit hindi bawal, mahigpit rin na binabalaan ang mga Pilipino na aalis at papasok ng bansa na mag-ingat.
  3. Ipinagbabawal ang lahat na dumalo sa malalaking pagtitipon.
  4. Hinihikayat ang mga pribadong sektor na mag-implementa ng work-from-home arrangements upang mag-silbing proteksyon sa mga empleyado na pumapasok araw araw.

Ang mga malls at iba pang pampublikong lugar sa Maynila ay hinihikayat na huminto muna sa operasyon. Maari pa rin namang magbukas ang supermarkets, drugstores, at iba pang pamilihan.